Umabot na sa mahigit 2.2 milyong bata na edad 6 hanggang 59 buwan sa Mindanao at BARMM ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella sa ilalim ng Ligtas Tigdas Vaccination Campaign ng Department of Health mula Enero 19 hanggang Pebrero 10.
Pinakamataas ang coverage sa BARMM na may 84 porsiyento, sinundan ng Zamboanga Peninsula (83 porsiyento), Caraga (82 porsiyento), at Northern Mindanao (81 porsiyento). Naitala naman ang 74 porsiyento sa Soccsksargen at 62 porsiyento sa Davao Region.
Sa kabila nito, daan-libong bata pa ang hindi nababakunahan, kabilang ang pinakamarami sa Davao Region. Patuloy ang kampanya ng DOH upang mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon.












