-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling na makapagpiyansa ni Senator Rodante Marcoleta at tatlo pang kapwa akusado na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng hindi idineklarang ₱75 milyong donasyon para sa kampanya.

Kabilang sa mga akusado sina dating Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor, negosyanteng si Joseph Espiritu at Aristotle Viray.

Mananatili silang nakadetine habang dinidinig ang kaso.

Ayon sa Sandiganbayan, naging hindi pare-pareho ang pahayag ni Marcoleta tungkol sa naturang pera. Una niyang sinabi na donasyon ito para sa kanyang senatorial campaign, ngunit sa isinumiteng dokumento sa Commission on Elections (Comelec), itinuring niya itong personal na pondo.

Kinuwestiyon din ng korte ang hindi pagdedeklara sa pagkakakilanlan ng mga donor at ang pagbabayad ng donor’s tax noong Disyembre 2025, kahit na naibigay umano ang donasyon noong Enero 2025.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin ng Sandiganbayan na ang naturang mga donasyon ay maituturing na mga regalong natanggap ni Marcoleta mula sa kanyang mga kapwa akusado, na naging batayan sa kasong plunder laban sa kanila.