Hinimok ni Chinese foreign minister Wang Yi ang agarang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz sa pakikipagpulong kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi sa Beijing, kasabay ng panawagan para sa tigil-putukan at pagpapatuloy ng negosasyon upang mapababa ang tensyon sa Gitnang Silangan.
Binigyang-diin sa usapan ang kahalagahan ng ligtas at tuloy-tuloy na daloy ng kalakalan sa Strait of Hormuz, na pangunahing ruta ng pandaigdigang suplay ng langis, at nanawagan ang China sa lahat ng panig na suportahan ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Tinalakay rin ang kahandaan ng Beijing na tumulong sa pagde-escalate ng sigalot, sa gitna ng patuloy na panawagan nito para sa diplomatikong solusyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, ilang araw bago ang inaasahang US–China summit na posibleng tumalakay sa isyu ng Iran at oil shipping routes.












