-- ADVERTISEMENT --

Binigyan ng hanggang Marso 30 ng mga piskal ng Department of Justice ang kampo ni dating Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. upang sagutin ang mga bagong alegasyon kaugnay ng kasong plunder na inihain ng National Bureau of Investigation hinggil sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Pinayagan ng DOJ ang pagdaragdag ng apat na bagong respondent sa kaso, kabilang ang mga dating inhinyero ng Department of Public Works and Highways, habang ibinasura ang pagtutol ng kampo ni Revilla.

Naitala na ang unang batch ng mga kaso kaugnay ng umano’y ghost projects sa Quezon City Regional Trial Court at Sandiganbayan, na kinabibilangan ng mga reklamong malversation, perjury, graft, at falsification.

Lumabas din sa imbestigasyon ang alegasyon ng umano’y pagtanggap ng kickback kapalit ng pag-endorso ng mga proyekto.