-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Naniniwala ang dating senador na hindi kakayanin na maibasura ang impeachment case na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte sa pagpasok ng 20th Congress.

Ayon kay Former Senator Antonio Trillanes IV, posible aniyang babantayan ng iba’t ibang grupo, organisasyon at asosasyon ang impeachment proceedings.

Naniniwala din ito na matutuloy ang impeachment trial dahil sa mga inilahad na sapat na ebidensya at alinsunod sa saligang batas ay kailangan na magkaroon ng paglilitis upang makasagot ang inirereklamong opisyal bago pa man makapalabas ng kaukulang desisyon ang impeachment court.

Nanindigan din ang dating senador na hindi na-delay ang impeachment process kundi nagkaroon lamang ng mga debate kung kaya’t kinulang ito sa oras na matalakay bago pa man nagtapos ang 19th Congress.

Bagama’t may mga kaalyado na senator judges na maglilitis sa kaso ng pangalawang pangulo, dapat aniya na maging patas ang mga ito para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --

Nararapat aniya na mangingibabaw ang batas upang maisilbi ang ipinagsisigawang hustisya ng mga complainant.