-- ADVERTISEMENT --
Naghain si House Majority Leader Sandro Marcos ng House Bill 7432 na naglalayong ipatupad ang patakarang “no work, no pay” para sa mga miyembro ng Kongreso, kung saan matatanggap lamang ang sahod sa mga araw na may aktuwal na pagdalo at pagtupad sa tungkuling lehislatibo. Nilalayon ng panukala na tugunan ang absenteeism at palakasin ang pananagutan ng mga mambabatas sa paggamit ng pondo ng bayan.
Nilinaw rin na pinahihintulutan ng Konstitusyon ang pagtatakda ng kompensasyon ng mga mambabatas sa pamamagitan ng batas, habang sinabi ng Malacañang na hindi makikialam ang Pangulo sa panukala dahil saklaw ito ng kapangyarihan ng Kongreso.













