-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) prosecution ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban nang walang hanggan ang kaso laban sa kanya kaugnay ng kampanya kontra droga.

Sa dokumentong isinapubliko noong Setyembre 11, iginiit ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang na hindi sapat ang medikal na ulat ng depensa para itigil ang proseso. Nanawagan din ang prosecution ng panibagong pagsusuri mula sa mga eksperto sa forensic medicine na may karanasan sa legal na proseso upang matukoy kung kaya pa ni Duterte na humarap sa paglilitis.

Ayon sa kampo ni Duterte, may seryosong problema sa alaala ang dating pangulo. Ngunit giit ng prosecution, kulang pa ito upang maging batayan ng walang takdang pagkaantala ng kaso.

Dahil sa isyu ng kalusugan, ipinagpaliban ang confirmation of charges hearing na dapat sana’y isasagawa sa Setyembre 23.