-- ADVERTISEMENT --

Isinumite ng Independent Commission for Infrastructure ang mga dokumento at ebidensya sa Department of Justice kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control project.

Nakipagpulong si ICI Chair Andres Reyes kina Justice Secretary Frederick Vida at iba pang opisyal upang ipasa ang mga materyal na susuriin para sa posibleng pagsasampa ng kaso. Nauna na ring naisumite ang mga ebidensya sa Office of the Ombudsman para sa case build-up.

Binuo ang ICI bilang fact-finding body upang imbestigahan ang mga iregularidad sa mga proyektong flood control na may kinalaman sa bilyong pisong pondo ng pamahalaan.

Sa ulat nito kay Ferdinand R. Marcos Jr., iniulat ng komisyon ang siyam na referral sa Ombudsman, 66 indibidwal na inirekomenda sa DOJ, at ang pagyeyelo ng 6,692 bank accounts na tinatayang nagkakahalaga ng P24.7 bilyon.