-- ADVERTISEMENT --
Inaprubahan ng Kamara de Representantes ang karagdagang 60-araw na suspensiyon kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga, walang sahod at benepisyo, batay sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges. Sa botohan, 238 miyembro ang pabor, 10 ang tutol, at 9 ang nag-abstain.
Ang suspensiyon ay ikalawa para kay Barzaga matapos siyang hindi dumalo sa mga pagdinig ng komite kaugnay ng mga bagong paratang laban sa kanya, kabilang ang alegasyon ng pagtanggap ng suhol ng dating mga kasamahan sa National Unity Party sa speakership race noong Hulyo 2025 at iba pang usaping cyberlibel. Mananatiling suspendido si Barzaga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kanyang mga pahayag at kilos bilang mambabatas.













