-- ADVERTISEMENT --

Nakatanggap ng mga bomb threat ang humigit-kumulang 6,300 paaralan sa Italy at mahigit 700 paaralan sa Scotland at Northern Ireland nitong Miyerkules, Nobyembre 11, 2026, na pinaghihinalaang bahagi ng isang bomb hoax.

Dahil dito, ilang paaralan sa Italy ang pansamantalang inilikas ang kanilang estudyante bilang pag-iingat

Gayunpaman, sinabi ni Italian Prime Minister Giorgia Meloni na wala pang nakikitang ebidensiya ng aktuwal na panganib.

Ayon naman sa mga awtoridad sa Scotland, walang banta sa kaligtasan ng publiko at iniimbestigahan na ng mga eksperto sa cybercrime ang pinagmulan ng mga mensahe.

Pinayuhan din ang mga pamunuan ng paaralan sa Northern Ireland na manatiling bukas maliban kung may ibang abiso mula sa pulisya.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng cyberattack lamang ang mga banta at hindi totoong panganib. Hindi pa rin malinaw kung magkakaugnay ang mga insidente sa tatlong lugar.

Nauna nang nakatanggap ng katulad na mga banta ang ilang paliparan, supermarket at ospital sa Europa, na nagdulot ng pangamba at pansamantalang pagkaantala sa operasyon.

Patuloy namang sinusuri ng mga awtoridad ang mga natanggap na mensahe upang matukoy ang responsable sa pagpapakalat ng maling mga banta.