Itinuturing nga grupong Bantay Bigas na palliative measures lamang ang iba’t-ibang programa at hakbang na ginagawa ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Marcos para mapababa umano ang presyo ng bigas sa merkado.
Ayon kay Bantay Bigas spokesperson at secretary general of Amihan National Federation of Peasant Women Cathy Estavillo, itinuturing nilang palyado at hindi matagumpay ang mga inilunsad na programa katulad ng “Benteng Bigas Meron Na” o BBM Rice Program, pagpapababa ng taripa ng mga ini-import na bigas at maraming iba pa.
Ayon sa kanya, limitado lamang ang mase-serbisyuhan ng programa ito sa pangunguna ng National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA).
Base sa datos, marami parin ang bilang ng mga nagugutom na mamamayan at ang mga naghihikahos na pamilya dahil sa hindi rin naramdaman ng husto ang mga iniunsad na prorama na ayon sa gobyerno ay libo-libong pamilya na ang nakinabang.
Dahil sa limitado na access at maaabutan ng programa, hindi lahat ng mga nasa laylayan ay makakatikim ng sinasabing murang bigas.