-- ADVERTISEMENT --
Tumaas sa 92% ang posibilidad ng pagbuo ng moderate to strong El Niño mula huling bahagi ng 2026 hanggang unang bahagi ng 2027, ayon sa PAGASA.
Inaasahang ia-upgrade ang kasalukuyang El Niño Watch Alert ngayong buwan, na may projection na mararamdaman ang epekto mula Hulyo hanggang Setyembre.
Karaniwang nagdudulot ang El Niño ng mas mainit na temperatura sa karagatan at kakulangan ng ulan, na maaaring magresulta sa tagtuyot.
Kaugnay nito, inaasahan ding lalakas ang El Niño sa Indonesia, na may kahalintulad na klima sa Pilipinas, at tugma sa forecast ng PAGASA.













