Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagpapalabas ng P21.47 bilyon upang ipagpatuloy ang mga proyektong imprastraktura at maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa pondong inilabas sa pamamagitan ng Department of Budget and Management, P2.49 bilyon ang inilaan sa Department of Transportation para sa fuel subsidy ng mga driver at operator upang mapanatiling abot-kaya ang pamasahe.
Samantala, P18.65 bilyon ang napunta sa Department of Public Works and Highways para sa pagpapatuloy ng mga proyektong imprastraktura at pagpapanatili ng trabaho sa sektor ng konstruksyon. May karagdagang P324.36 milyon din para sa mga proyektong may tulong mula sa ibang bansa upang matiyak ang napapanahong pagkumpleto.
Tiniyak ng pamahalaan na ang paggamit ng pondo ay dumadaan sa mahigpit na proseso upang masigurong maayos at tama ang paggastos.













