-- ADVERTISEMENT --

Nasa 90.92 porsyento na ang kabuuang right-of-way (ROW) acquisition para sa Metro Manila Subway Project (MMSP) at inaasahang matatapos sa Hunyo, habang ang pre-construction ng Shaw Boulevard Station ay halos 100 porsyento na.

Patuloy ang konstruksyon ng mga istasyon sa Pasig, kabilang ang mga underground stations sa Ortigas Avenue at Shaw Boulevard, na bahagi ng Contract Package 104 (CP 104) na pinamumunuan ng Tokyu-Tobishima-Megawide Joint Venture (TTMJV). Saklaw ng CP 104 ang 3.397 kilometro na ruta mula Quezon City, Pasig City, hanggang Taguig City.

Matatagpuan ang Ortigas Avenue Station sa Meralco Avenue, kanto ng Julia Vargas Avenue, habang ang Shaw Boulevard Station ay katabi ng Estancia Mall sa kanto ng Shaw Boulevard at Meralco Avenue.

Nakasaad na matatapos ang proyekto sa 2032. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang MMSP ay isang pangmatagalan at sustainable na solusyon sa trapiko sa Metro Manila, at ang implementasyon nito ay mas mabilis kaysa sa orihinal na iskedyul.