-- ADVERTISEMENT --

Magdaraos ng caucus ang Senate upang talakayin ang pagkilala ng International Criminal Court Office of the Prosecutor kina Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go at Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa bilang umano’y katuwang sa mga pagpatay noong kampanya kontra ilegal na droga sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sen. Bam Aquino sa isang televised interview, unang tatalakayin ng Senado ang usapin sa loob ng kanilang caucus habang hinihintay ang pormal na deklarasyon ng ICC sa Pebrero 23. Iginiit niya na mas mainam na ang mga kaso ng umano’y extrajudicial killings ay ilahad sa mga lokal na korte, ngunit igalang ang proseso ng ICC.

Itinakda rin ang confirmation of charges laban kay dating Pangulong Duterte sa Pebrero 23, na susundan ng karagdagang pagdinig sa Pebrero 24, 26, at 27.