Hindi pinalad ang pambato ng Pilipinas na makuha ang hinahangad na ikalawang Miss Supranational crown.
Sa koronasyon sa Poland na natapos dakong alas-5:00 ng umaga oras sa Pilipinas, nakuha ng Baguio City beauty queen na si Tarah Valencia ang third runner-up title.
Heto ang mga winners:
Miss Supranational: Brazil
1st Runner-Up: Germany
2nd Runner-Up: Curacao
3rd Runner-Up: Philippines
4th Runner-Up: Puerto Rico
Kinilala naman ng organisasyon ang Continental Ambassadors na sina:
Africa: Zambia
Caribbean: Dominican Republic
Europe: Iceland
Asia and Oceania: Indonesia
Americas: USA
Bago ang Top 5, nag-compete ang delegates sa Q&A round, swimsuit round sa Top 24 at evening gown sa Top 12.
Nabatid na nagtapos ng tourism management si Valencia at nakuha nito ang titulong Miss Supranational Philippines matapos sumali sa Miss Universe Philippines 2024.
Ang nag-iisang Miss Supranational Queen ng Pilipinas ay si Mutya Datul na napanalunan ang titulo noong 2013.