Hindi bababa sa walong estudyante at isang guro ang nasawi, habang marami pa ang sugatan matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa KatimugangTurkey, ayon sa ulat ng Interior Ministry.
Naganap ang insidente sa Ayser Calik Secondary School sa Kahramanmaras area, kung saan 13 ang sugatan at anim ang nasa malubhang kondisyon. Nasawi rin ang 14-anyos na suspek sa insidente.
Iniulat na armado ang suspek at pumasok sa dalawang silid-aralan, habang patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril.
Ayon sa mga ulat, posibleng pag-aari ng dating pulis ang mga ginamit na armas, dahilan upang pansamantalang arestuhin ang ama ng suspek.
Nauna na ring nagkaroon ng hiwalay na insidente ng pamamaril sa isa pang paaralan sa rehiyon, habang nanawagan ng agarang pagbangon at tulong para sa mga biktima ang pamahalaan ng Recep Tayyip Erdogan.












