-- ADVERTISEMENT --
Lumampas na sa 2.1 milyon ang mga aplikasyon para sa voter registration kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre, ayon sa datos ng Commission on Elections (Comelec) hanggang Pebrero 15.
Sa kabuuang 2,135,181 aplikasyon, mas marami ang kababaihang nagparehistro na umabot sa 1,121,112 kumpara sa 1,014,069 na kalalakihan. Kabilang dito ang mahigit 556,000 bagong rehistranteng edad 18 pataas, habang nasa 580,928 naman ang bagong rehistradong kabataan na may edad 15 hanggang 17 para sa SK elections.
Nagpatuloy ang voter registration noong Oktubre 20, 2025 at tatagal hanggang Mayo 18, 2026. Nakatakda ang BSKE sa Nobyembre 2, 2026.













