-- ADVERTISEMENT --

Nanguna sa Billboard Hot 100 ang awiting “Opalite” ng global pop star na si Taylor Swift.

Ang kanta ay mula sa kanyang pinakabagong album na The Life of a Showgirl at nagmarka bilang unang pagkakataon mula sa 2014 album niyang 1989 na nagkaroon siya ng higit sa isang No. 1 hit mula sa iisang album.

Bilang pagdiriwang, ibinahagi ni Swift sa Instagram ang ilang behind-the-scenes clips ng paggawa ng kanta kasama ang producers na sina Max Martin at Shellback.

Inilabas noong Pebrero 6 ang music video ng “Opalite” sa Spotify at Apple Music bilang ikalawang opisyal na single ng album. Tampok sa video, na isinulat at idinirek ni Swift, ang ilang personalidad na nakasama niya sa The Graham Norton Show kabilang sina Domhnall Gleeson, Greta Lee, Cillian Murphy, Jodie Turner-Smith, Lewis Capaldi at host na si Graham Norton.

Ayon sa Spotify, nagtala rin ang “Opalite” ng bagong record bilang pinaka-pinanuod na music video sa loob ng isang araw sa kasaysayan ng platform noong Pebrero 6, 2026.

-- ADVERTISEMENT --