-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Kinuwestyon ni dating Magdalo Party-list Representative Gary Alejano kung bakit hindi pa rin nadadakip si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa kabila ng malawak na puwersa ng militar, pulisya at intelligence network ng bansa.

Ayon kay Alejano, hindi kapani-paniwalang hindi matukoy ang kinaroroonan ni Dela Rosa, lalo’t kilala ito bilang senador at dating hepe ng Philippine National Police (PNP). Naniniwala rin siyang maaari itong madakip kung magkakaroon ng aktibong operasyon para sa paghahanap dito.

Kinuwestyon din ni Alejano ang pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na mas pinipili ng gobyerno ang pakikipagnegosasyon at paghihintay ng malinaw na utos ng korte kaysa agarang pagdakip sa senador.

Tinawag din niyang pagpapakitang-gilas lamang ang anunsyo ng ₱50-milyong pabuya para sa ikadarakip ni Dela Rosa.