-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ni Arron Villaflor na hindi siya naaapektuhan ng mga isyung ibinabato laban sa kanya, na aniya’y bahagi lamang ng smear campaign sa pulitika.

Sa panayam noong Pebrero 27 bago ang press conference ng Pater Noster, itinanggi ng actor at Tarlac 2nd District board member ang pagkakasangkot sa umano’y malisyosong video, at sinabing ang mga kumakalat na clip ay mula lamang sa kanyang mga dating proyekto sa VMX. Wala pa siyang karagdagang pahayag hinggil sa mga panibagong video na lumabas online na iniuugnay sa kanya.

Samantala, sinabi ni Villaflor na ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-arte ngunit hindi na tatanggap ng mga sexy o maseselang papel. Bibida siya sa “Pater Noster,” na ipalalabas sa mga sinehan sa Marso 25.