-- ADVERTISEMENT --

Nagpaalala ang PhilHealth na maaaring ma-avail ng mga miyembro ang mga benepisyo para sa mga sakit na dulot ng matinding init, kasabay ng patuloy na pagtaas ng temperatura sa bansa.

Saklaw ng mga benepisyo ang iba’t ibang kondisyon tulad ng heat-related illnesses, typhoid fever, sore eyes, heat stroke, diarrhea, dehydration, at iba pang karaniwang sakit tuwing tag-init, na maaaring gamitin sa mga accredited na ospital sa buong bansa.

Kasama rin sa saklaw ang agarang serbisyong medikal sa ilalim ng Outpatient Emergency Care Benefit package para sa mga emerhensiya.

Layunin ng programa na mabawasan ang gastusin ng mga pamilya at matiyak ang agarang access sa serbisyong pangkalusugan sa panahon ng matinding init.