-- ADVERTISEMENT --

NUMANCIA, Aklan — Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang natagpuang bangkay ng isang 67-anyos na lalaki na halos naaagnas na sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Camanci Norte, Numancia, bandang alas-6:36 ng gabi ng Miyerkules, Nobyembre 18, 2026.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Numancia Municipal Police Station, ang nasabing lalaki, na kinilala lamang sa alyas na “Asiong,” ay mag-isang naninirahan sa naturang bahay.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at isinailalim sa forensic examination ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga labi upang matukoy ang posibleng sanhi at iba pang detalye ng kanyang pagkamatay.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ang kumpirmasyon mula sa pamilya kung ang natagpuang bangkay ay kanilang kaanak.