Nanawagan ang ilang business groups sa pamahalaan na linawin ang mga detalye ng kasunduang pangkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, partikular sa usapin ng pag-aangkat ng produktong agrikultura at enerhiya.
Ayon sa Management Association of the Philippines, positibo ang mas pinalakas na ugnayang pangkalakalan kung magdudulot ito ng mas murang pagkain at kuryente, ngunit nagbabala rin ito laban sa sobrang pagdepende sa iisang bansa bilang supplier.
Ikinababahala rin ng mga negosyante kung magiging patas at kapaki-pakinabang ang kasunduan para sa lokal na negosyo at mga magsasaka.
Iginiit naman ng Philippine Exporters Confederation na hindi dapat piliting bumili ang Pilipinas ng produkto mula sa US kung mas mahal ito kumpara sa ibang supplier.
Dagdag pa ng mga grupo, dapat ding magkaroon ng mas malawak na access ang mga produktong Pilipino sa merkado ng Amerika upang parehong makinabang ang dalawang bansa sa kalakalan.













