-- ADVERTISEMENT --

Dead-on-arrival ang isang beteranong newspaperman at Public Relations practitioner matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa loob ng kanilang tahanan sa Villa Salvacion, Brgy. Andagao, Kalibo bandang alas-8:00 ng gabi kahapon araw ng Martes, Abril 29.

Base sa pag-usisa ng Bombo Radyo Kalibo News Team, nakumpirma na ang biktima ay si Juan “Johnny” P. Dayang.

Si Johnny Dayang ay naging publisher ng Philippine Graphic Magazine and Headline Manila daily newspaper.

Nagsilbi rin itong President of the Manila Overseas Press Club at President of the Publisher Association of the Philippines (PAPI) kung saan naging adbokasiya niya ang development of community journalism.

Nagsilbi rin siya bilang UNESCO Commissioner, Red Cross Governor, National Book Development Board Governor, at board member ng Fortune Insurance Company of thr ALC Group of Companies. Maliban dito, naging OIC Mayor din sya sa bayan ng Kalibo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon nga mga kapulisan sa naturang insidente.