-- ADVERTISEMENT --

Hindi ipagbabawal ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang Roblox sa bansa matapos pumayag ang kumpanya na palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga bata.

Ipinakita ng Roblox sa isang pulong kasama ang DICT, Cybercrime Investigation Coordinating Center (CICC), mga kinatawan ng law enforcement, at pribadong sektor ang plano para sa mas mahigpit na monitoring, reporting, at age-appropriate content controls. Magkakaroon din ng information campaign sa Abril 12, 2026 para gabayan ang mga magulang sa paggamit ng mga tool tulad ng screen time controls, purchase limits, at content blocking.

Kasunod ito ng paalala ng DICT noong Marso 20 ukol sa pagtaas ng ulat ng child safety violations sa platform, kabilang ang sexual predation at grooming. Nakipag-ugnayan ang mga telecommunications companies at CICC upang handa ang pagpapatupad ng pagbabawal kung kakailanganin.