-- ADVERTISEMENT --

Nagkasundo ang Israel at Lebanon sa 10-araw na tigil-putukan sa pamamagitan ng inisyatiba ni Donald Trump.

Sumang-ayon ang pamahalaan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu habang nananatili ang tropa ng Israel sa timog Lebanon, samantalang bukas ang Hezbollah sa kasunduan na may mga kondisyon.

Suportado ng Iran ang tigil-putukan kasabay ng nagpapatuloy na usapang pangkapayapaan sa Estados Unidos.

Mahigit 2,000 katao ang nasawi at higit isang milyon ang lumikas sa Lebanon mula nang sumiklab ang labanan noong Marso.

Isinagawa ang mga pag-uusap sa Washington, D.C. bilang bahagi ng pagsisikap na mapalawak ang negosasyon, bagaman nananatiling isyu ang armas ng Hezbollah at presensya ng militar ng Israel sa timog Lebanon.

-- ADVERTISEMENT --