-- ADVERTISEMENT --

Nagsagawa ng malawakang maritime military drills sa West Philippine Sea ang mga barko at eroplano ng Pilipinas kasama ang mga kalahok sa Balikatan exercises mula Abril 20 hanggang Mayo 1.

Kabilang sa isinagawang pagsasanay ang gunnery drills, anti-submarine operations, air at missile defense, replenishment at sea, communication checks, search and rescue, at maritime control operations upang mapalakas ang koordinasyon at kahandaan ng mga pwersang kalahok.

Nagdeploy ang Armed Forces of the Philippines ng mga pangunahing asset pandagat kabilang ang BRP Miguel Malvar, BRP Antonio Luna, isang anti-submarine helicopter, at barko ng Philippine Coast Guard.

Lumahok din ang mga pwersa mula sa Estados Unidos, Japan, Australia, at Canada bilang bahagi ng multinational maritime event.

Samantala, sinabi ng militar na may mga barkong Tsino na nagmasid sa aktibidad ngunit walang naitalang insidente o mapanganib na galaw. Iginiit din ng AFP na ang Balikatan exercises ay hindi nakatuon laban sa China o sa anumang bansa.

-- ADVERTISEMENT --