-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Pinapayagan na ang muling pagpasok at pagbiyahe ng mga buhay na baboy, karne ng baboy, at iba pang produktong may kinalaman sa baboy sa lalawigan ng Aklan sa ilalim ng Executive Order No. 076, Series of 2026.

Nilagdaan ni Aklan Governor Jose Enrique M. Miraflores noong Nobyembre 9, 2026, ang kautusan na nag-aalis sa mga naunang restriksyon sa ilalim ng Executive Order No. 044, Series of 2026.

Gayunman, mananatili ang mahigpit na inspeksyon sa mga border checkpoint, veterinary quarantine, dokumentasyon, disinfection, at biosecurity measures upang maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Kinakailangan ding kumpleto ang mga permit, health certificate, ASF testing requirements, at Certificate of Acceptance mula sa Office of the Provincial Veterinarian (OPVET).

Nagbabala rin ang pamahalaang panlalawigan na maaari muling magpatupad ng restriksyon sakaling magkaroon ng panibagong ASF outbreak o mataas na panganib ng pagkalat ng sakit.

-- ADVERTISEMENT --