-- ADVERTISEMENT --
HEALTH News — Inaprubahan ng parlamento ng United Kingdom ang panukalang batas na magbabawal sa pagbili ng sigarilyo sa mga ipinanganak mula Enero 1, 2009 pataas bilang hakbang tungo sa “smoke-free generation.”
Saklaw din ng Tobacco and Vapes Bill ang mas mahigpit na limitasyon sa paninigarilyo, kabilang ang posibleng pagbabawal sa ilang outdoor areas at regulasyon sa vapes, gaya ng paghihigpit sa flavors at packaging.
Bahagi ito ng kampanya para sa preventive health at upang mabawasan ang pasanin sa National Health Service, kung saan tinatayang 75,000 pagkamatay kada taon sa England ang iniuugnay sa paninigarilyo.












