Pormal nang nanumpa ang mga bagong titinalagang mga opisyales ng probinsya it Aklan.
Ayon kay Jay-Ar Arante, head ng media team ng LGU Kalibo, sa ginanap na oath taking ceremony kahapon, araw ng Byernes, Hunyo 27, pormal nang nanumpa sa kanilang katungkulan ang mga newly elected officials, mula sa congressman hanggang sa mga sangguniang bayan member ng 16 na bayan sa probinsya ng Aklan.
Ang nasabing event ay pinangunahan ni Secretary Amenah F. Pangandaman ng Department of Budget and Management (DBM).
sa kanila umanong panunumpa, ay isang pa-totoo na sila ay pwede nang umupo sa kanilang termino.
Nagbigay din mensahe ng pasasalamat, at pagpapasiguro ang mga oisyal na gagawin nila ang kanilang mga responsibilidad na maging epektibong eader ng bawat bayan.
Samantala, magsasagawa rin ng oath taking ang bayan ng Kalibo na pangungunahan ng re-elected Mayor sa Magsaysay park ngayon araw ng Sabado, Hunyo 28.