-- ADVERTISEMENT --

HEALTH News — Inaprubahan ng Governance Commission for Government-Owned or -Controlled Corporations (GCG) ang isang major restructuring sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) upang solusyonan ang matagal nang isyu sa ahensya.

Ayon kay GCG Chair Marius Corpus, ang plano ay pinagtibay noong Hunyo 25 at bibigyan ang PhilHealth ng isang taon upang ipatupad ito. Nakatuon ang pagbabago sa pagpapabuti ng workforce, pagsasaayos ng datos at proseso, at pagresolba sa mga isyu sa claims. Dagdag pa rito, magkakaroon ng karagdagang 7,149 posisyon, ngunit hindi magdudulot ng tanggalan sa trabaho.

Ang bagong istruktura ay magpapahusay sa mga serbisyo tulad ng legal, pinansyal, IT, procurement, human resources, at administrasyon—mga sektor na dati nang nasangkot sa mga isyu ng anomalya at maling pamamahala.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng PhilHealth na maipatupad ang kanilang mandato sa ilalim ng Universal Health Care Act (RA 11223).