-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Muling tiniyak ng pamunuan ng Kalibo Municipal Police Station sa publiko na malutas ang kaso ng pagpatay sa veteran journalist na si  Juan “Johnny” Dayang na binaril-patay sa loob ng kaniyang bahay noong Abril 29, 2025.

Ayon kay P/Lt.Col. Jerick Vargas, bagong hepe ng Kalibo MPS na posible aniyang magkaroon ng update sa susunod na mga araw sa pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa mga natukoy na suspek kung saan, may sapat aniyang ebidensiya na sila ang nasa likod ng pamamaril.

Dagdag pa ni P/Lt.Col. Vargas, nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa motibo ng krimen gayundin ang utak at ang financier nito.

Mas pa nitong palalakasin ang kanilang operasyon para maaresto ang mga suspek at mabigyang hustisya ang pagkasawi ni Dayang.

Samantala, plano din ni Vargas na makipagkita sa pamilya ni Dayang sa susunod na mga araw upang matiyak sa mga ito na ginagawa ng kapulisan ang lahat upang malutas ang nasabing krimen.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na nitong Hunyo 6,  nagpalabas ng pahayag ang pamilya Dayang kaugnay sa kanilang pagkadismaya sa itinuturing nilang premature na deklarasyon ng kapulisan na ang nasabing kaso ay cleared na.

Ngunit, nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan sa salita na ginagamit sa police procedure.