-- ADVERTISEMENT --

BORACAY, Island—Naitala ang kabuuang 172, 969 tourist arrival sa isla ng Boracay sa buwan ng Hulyo.

Ito ay sa kabila ng pananalasa ng mga sunod-sunod na bagyo at Habagat kung saan, malakas ang alon sa front beach.

Batay sa datos na inilabas ng Malay-Boracay Tourism Office, sa nasabing bilang, 146,217 dito ang domestic tourist; 4,262 ang overseas Filipinos; at 22, 490 ang foreign tourist.

Nauna nang inihayag ng tourism office na bahagyang bumaba ang tourist arrival nitong mga nakaraang linggo kung saan, inaasahan na rin nila ang ganitong senaryo dahil sa maituring na off season ang buwan ng Hulyo at sa mismong pagsimula ng Habagat season.