-- ADVERTISEMENT --
Handa si Vice President Sara Duterte na pumalit sa puwesto ng Pangulo kung magbitiw si President Ferdinand Marcos Jr. dahil sa mga isyu sa korapsyon.
“Wala nang tanong dun kung ano ang gagawin ko. Yun ang mandate sa akin ng Constitution, at alam ko yun noong tumakbo ako at binoto niyo ako bilang Vice President,” pahayag ni Duterte.
Hinimok din niya si Marcos Jr. na sumailalim sa drug test para sa kapakanan ng publiko.
Aniya, hindi puwedeng humindi ang Pangulo. Dagdag pa nito na sasamahan niya si Marcos Jr. at posibleng sumali rin si Sen. Imee Marcos.
-- ADVERTISEMENT --
Binigyang-diin ng Malacañang na hindi opsyon ang pagbibitiw ni Marcos Jr. sa gitna ng paratang ng kanyang kapatid na si Imee Marcos tungkol sa paggamit ng ilegal na droga.













