Inaasahang isa hanggang dalawang bagyo ang mabubuo at papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Nobyembre, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Karaniwang tinatamaan ng mga bagyo tuwing Nobyembre ang Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga.
Samantala, inaasahang makararanas ng mas kaunting pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa mula Nobyembre hanggang Enero 2027 dahil sa epekto ng matinding El Niño.
Nagbabala naman ang PAGASA na posible pa ring magkaroon ng malalakas na bagyo, kabilang ang mga super typhoon, sa kabila ng El Niño.
Inaasahan ding makararanas ng tagtuyot ang hindi bababa sa 12 lugar sa bansa ngayong Nobyembre. Posibleng umabot sa apat ang kabuuang bilang ng mga bagyong mabubuo o papasok sa PAR bago matapos ang 2026.













