-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ng Zimbabwe ang $367 milyong health funding mula sa United States matapos hingin ng US ang access sa sensitibong biological samples at health data ng bansa, na walang katiyakan na makikinabang ang Zimbabwe sa posibleng bakuna, diagnostic tools, o paggamot.

Mahigit $1.9 bilyon na ang naibigay ng US sa nakalipas na dalawang dekada para sa HIV/Aids, tuberculosis, malaria, maternal at child health, at paghahanda sa disease outbreaks. Bahagi ito ng hakbang ng administrasyon ni Donald Trump na bawasan ang foreign aid at isulong ang direktang kasunduan sa pagitan ng mga pamahalaan.

Nagpahayag ng pangamba ang mga doktor dahil malaking bahagi ng HIV programs ng Zimbabwe ay umaasa sa panlabas na pondo. Nanawagan ang Zimbabwe College of Public Health Physicians ng pagpapatuloy ng negosasyon upang makahanap ng kompromiso, lalo na sa usapin ng data governance at proteksyon.

Ayon sa pamahalaan, ang pagtutol sa kasunduan ay hindi laban sa US at nananatiling bukas ang bansa sa susunod pang pag-uusap hinggil sa kooperasyong pangkalusugan.