-- ADVERTISEMENT --
NATIONAL News — Handa at tanggap na umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng bawian na siya ng buhay sa loob ng detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Ito ang kinumpirma ni Vice President Sara Duterte, kasunod ng naging manipesto ng dating pangulo sa korte na hindi na ito dadalo sa mga itinakdang pagdinig para sa kaniyang confirmation of charges.
Ayon sa Bise Presidente sa isang interview, tuluyan na ring isinantabi ng kanilang pamilya ang pag-asa na makakabalik pa ng Pilipinas ang nakakatandang Dutert
Dagdag pa ng pangalawang pangulo, nakasaad mismo sa opisyal na dokumento ng kaniyang ama sa ICC ang pagtanggap nito sa kaniyang sinapit sa kamay ng international tribunal.
-- ADVERTISEMENT --












