Umabot sa 169 ang nasawi sa atake ng armadong grupo sa Abiemnom county, Ruweng, South Sudan, kabilang ang 90 na bata, kababaihan, matatanda, at 79 miyembro ng lokal na puwersa. Mahigit 50 naman ang sugatan at dinala sa kalapit na Abyei Administrative Area para sa gamutan.
Pumasok ang mga salarin bago mag-alas-5 ng umaga noong Linggo, sinunog ang mga bahay at pamilihan, at ilang matataas na opisyal ang nasawi. Naalis na ng pwersa ng gobyerno ang mga salarin at ganap nang kontrolado ang lugar.
Nagbigay ng babala ang United Nations Mission in South Sudan (UNMISS) sa pagtaas ng karahasan at nagbibigay ng emergency medical care sa mga sugatan. Tinatayang 1,000 sibilyan ang humingi ng proteksyon malapit sa UNMISS base sa apektadong lugar.
Patuloy ang tensyon sa bansa, na mula pa noong 2011 ay nakararanas ng digmaang sibil, kahirapan, at korapsyon. Binalaan ang South Sudan ng UN sa posibilidad ng pagbabalik ng malawakang digmaang sibil dahil sa pagguho ng power-sharing deal nina Pangulong Salva Kiir at dating karibal na si Riek Machar.













