-- ADVERTISEMENT --
Nagdeploy ang pamahalaan ng South Africa ng libo-libong sundalo sa ilang lalawigan upang suportahan ang pulisya sa pagsugpo ng mararahas na krimen, kabilang ang illegal mining at gang violence.
Saklaw ng operasyon ang limang probinsya na may mataas na insidente ng krimen, at inaasahang tatagal ng isang taon. Unang ipinadala ang mga sundalo sa Gauteng, kabilang ang Johannesburg, bago palawakin ang deployment sa iba pang lugar.
Layunin ng hakbang na maibalik ang kaayusan sa mga apektadong komunidad, kung saan nananatiling mataas ang bilang ng krimen at pagpatay sa bansa.
Gayunman, may pangamba na panandalian lamang ang epekto ng presensya ng militar, lalo na’t patuloy ang malawakang kahirapan at iba pang ugat ng krimen sa mga lugar na ito.













