-- ADVERTISEMENT --
Tumaas ng 45 porsiyento ang kaso ng tigdas-rubella sa unang bahagi ng 2026, na umabot sa 1,627 mula sa 1,121 noong nakaraang taon. Karamihan sa mga nahawaan ay hindi nabakunahan, habang nananatiling 66 porsiyento lamang ang vaccination coverage sa bansa.
Pinakamaraming kaso ang naitala sa BARMM, kasunod ang Soccsksargen, Davao Region, NCR, at Central Luzon. Mayroon ding naitalang isang pagkamatay sa Quezon City, kung saan mataas ang panganib sa mga sanggol na hindi pa maaaring mabakunahan.
Patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan tulad ng outbreak response at pinalalakas na vaccination drive upang mapigilan ang pagkalat ng sakit, kasabay ng panawagan sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.













