-- ADVERTISEMENT --
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong humihiling na agad magtipon ang Senado bilang impeachment court para sa mga reklamong inihain laban kay Bise Presidente Sara Duterte noong 2025.
Sa botong 14-0-1, sinabi ng SC na hindi tamang remedyo ang mandamus at nawalan na ng saysay ang petisyon matapos magsimula ang Senado sa paghahanda at mapawalang-bisa ang Articles of Impeachment sa mga naunang desisyon ng hukuman.
Nilinaw din ng Korte Suprema na ang salitang “forthwith” sa Konstitusyon ay nangangahulugang pagkilos sa loob ng makatwirang panahon depende sa sitwasyon, at hindi agarang pagpupulong sa takdang petsa.












