-- ADVERTISEMENT --

Inatasan ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte na personal na dumalo sa bawat araw ng paglilitis sa kasong crimes against humanity na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30, 2026.

Ayon kay ICC Presiding Judge Joanna Korner, kailangang humarap si Duterte sa korte sa buong panahon ng paglilitis. Pinayagan naman siyang hindi dumalo sa ikalimang status conference noong Nobyembre 2 dahil inaasahang maikli lamang ang pagdinig.

Bilang konsiderasyon sa kondisyon ng 81-anyos na dating pangulo, itinakda ng ICC ang isang oras na sesyon na may regular na pahinga. Si Duterte ang kauna-unahang dating lider ng isang bansa sa Asya na haharap sa paglilitis sa ICC.