-- ADVERTISEMENT --
Inanunsyo ng pop star na si Ariana Grande ang nalalapit na paglabas ng kanyang bagong album na “Petal” sa Hulyo 31.
Binubuo ito ng 12 tracks at co-produced at co-written kasama ang Swedish-Persian producer na si Ilya.
Inilarawan ang album bilang may temang pag-usbong, paghilom, at pagbangon mula sa mga hamon sa buhay.
Kasabay ng anunsyo, nakatanggap ito ng positibong reaksyon mula sa mga tagahanga online.
Bago ang “Petal,” inilabas ni Grande ang album na “Eternal Sunshine” at nakatakda rin siyang magtanghal sa “The Eternal Sunshine Tour” na magsisimula sa Hunyo.
-- ADVERTISEMENT --












