KALIBO, Aklan—Target ni dating vice governor at ngayon ay elected 1st district provincial board member Atty. Reynaldo Boy Quimpo na kunin ang chairmanship ng agriculture committee at good governance, public accountability and oversight committee .
Ayon kay Atty. Quimpo, nais nitong maipagpatuloy ang kaniyang mga prayoridad partikular ang pagbibigay atensyon sa sektor ng agrikultura upang matulungan ang mga magsasaka sa lalawigan gayundin ang health services at ang edukasyon.
Sa unang inaugural session aniya ay magkakaroon ng nomination of chairman at mga members ng mga standing committee ng provincial board.
Pagkatapos ng nominasyon ay magkakaroon aniya ng votation ng mga miyembro.
Ang inaugural session ng 20th sangguniang panlalawigan ng Aklan ay gaganapin sa Lunes, Hulyo 7, 2025.