-- ADVERTISEMENT --

Balak ng Sangguniang Bayan ng Malay na ipatawag sa plenaryo ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) lalo na si  Sec. Vince Dizon matapos ang naging pahayag sa Malacañang na pina-finalize na ang kontrata para sa kontrobersyal na Boracay bridge project sa gitna ng pamahalaan at San Miguel Holdings Corp.

Ito ay sa pamamagitan ng privilege speech ni Malay SB member Alan Palma Sr.

Aniya,  sa isinagawang press briefing sa Malacañang kamakailan, sinabi  ni Palace Press Officer Claire Castro na ayon kay Secretary Vince Dizon, isinasapinal na umano ang kontrata para sa proyekto at ipinasiguro ng naturang kompaniya na papakinggan ang mga hinaing ng  lokal na pamahgalaan at stakeholders.

Dahil dito, nais ng mga miyembro ng konseho ng Malay na linawin kung paanong umusad ang proseso ng proyekto sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng LGU-Malay at Aklan provincial  government, gayundin ng environmental groups, at ilang sektor sa Boracay.

Dagdag pa ni Palma na nais rin nilang malaman kung bakit mas nauna pa ang  pag-finalize ng kontrata kaysa sa mas malawak na public consultation at environmental clearance process.

-- ADVERTISEMENT --

Ang P7.8-bilyong Boracay bridge project ay dudugtong sa mainland Malay ag Boracay sa pamamagitan ng 2.54-kilometers na tulay.

Patuloy na kinukwestiyon ng mga opisyal ng Aklan at Malay ang proyekto dahil sa maaring epekto nito sa environment, turismo, at kabuhayan ng  mga bangkero at tourism workers.