-- ADVERTISEMENT --

Hindi pumayag sa plea bargain ang mga abogado ni dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at anim sa kanyang co-accused mula sa DPWH Bulacan 1st District Engineering Office kaugnay ng graft case sa umano’y P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Dumalo ang anim na dating opisyal sa preliminary conference sa Sandiganbayan Fourth Division kung saan tinalakay ang ebidensya, saksi, at iba pang detalye ng kaso. Naipagpaliban ang pretrial na itinakda noong Pebrero 19 upang ipagpatuloy ang preliminary conference. Lahat ng nasasangkot, maliban kay Revilla, ay nag-plea ng not guilty sa graft charge, habang ang arraignment ni Revilla sa malversation case ay itinakda sa Pebrero 16.

Nauugnay si Revilla sa iskandalo matapos igiit ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na tumanggap siya ng kickbacks kapalit ng pagsuporta sa flood control projects.