-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na patuloy nitong mino-monitor at pinaghahandaan ang posibleng pagkalat ng hantavirus sa bansa.

Ayon sa DOH, inihahanda na ang mga laboratoryo at kagamitan tulad ng PCR machines at electron microscope para sa mas mabilis na pagtukoy ng virus. Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Bureau of Quarantine at mga international health counterparts upang masiguro ang maayos na pagbabantay sa mga kaso at biyahe ng mga pasaherong posibleng maapektuhan.

Kabilang sa binabantayan ang MV Hondius na may mga pasaherong nagpositibo sa virus, kabilang ang 38 Pilipinong tripulante na kasalukuyang itinuturing na nasa ligtas na kalagayan. Tiniyak ng DOH na isasailalim sila sa wastong pagsusuri at susunod sa mga protocol ng World Health Organization bago payagang makauwi ng bansa.