-- ADVERTISEMENT --
Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na ligtas ang lahat ng 17 Pilipinong seafarer na sakay ng isang tanker na nasangkot sa banggaan ng isang pampasaherong barko sa Mississippi River, malapit sa Port of New Orleans sa Estados Unidos.
Ayon kay Cacdac, walang nasawi sa mga Pilipinong sakay ng tanker at ligtas ang lahat ng mga ito.
Sinabi rin ng kalihim na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa Embahada ng Pilipinas sa Washington, D.C., Konsulado ng Pilipinas sa Houston, at sa manning agency kaugnay ng insidente.
Tiniyak naman ng ahensya ang ligtas na pagbabalik sa Pilipinas ng 17 seafarer at ang pagbibigay ng kinakailangang tulong sa kanila, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.













