-- ADVERTISEMENT --

Kinasuhan ng mga awtoridad sa Estados Unidos si dating FBI Director James Comey kaugnay ng umano’y pagbabanta sa buhay ni U.S President Donald Trump. Nag-ugat ang kaso sa larawang ibinahagi niya sa social media na nagpapakita ng mga seashell na bumubuo sa numerong “86 47.”

Ayon sa mga opisyal, ang “86” ay slang na maaaring mangahulugang alisin o patalsikin, habang si Trump ang ika-47 pangulo ng bansa. Itinanggi ni Comey na alam niya ang kahulugan nito at iginiit na inosente siya.

Nahaharap si Comey sa kasong pagbabanta sa pangulo at pagpapadala ng banta sa interstate commerce. Kapag napatunayang nagkasala, maaari siyang makulong nang hanggang 10 taon sa bawat kaso.

Si Comey ay dating sinibak ni Trump noong unang termino nito habang pinamumunuan niya ang imbestigasyon sa umano’y panghihimasok ng Russia sa halalan noong 2016. Mula noon, ilang ulit nang nanawagan si Trump na kasuhan siya.

Samantala, may ilang eksperto sa batas na nagsabing mahina ang kaso at maaaring saklaw ng proteksyon sa malayang pananalita ang naturang social media post.

-- ADVERTISEMENT --